4,834 guests

Ariel, kumampi kay Daniel

  • Written by IFF
  • Published in Showbiz
  • Read: 993

BILANG OPM singers, hindi nakaligtas sina Ariel Rivera, Jinky Vidal, Christian Bautista, Joey Generoso at Hajji Alejandro sa pag-uusisa ng press kung ano ang reaksyon nila sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Richard Reynoso at Daniel Padilla kamakailan.

May kinalaman ang isyu sa pagsasabi ni Richard na nagmukhang backdrop ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas nang haranahin ni Daniel sa stage.
    
Dagdag pa ni Richard, hindi na pala required sa panahon ngayon na nasa tono ang pagkanta.
    
Nang i-post ito ng singer (na nagpasikat sa awiting Paminsan-Minsan) sa social media, nakasalang pa si Daniel sa stage.
    
Sa presscon kahapon ng #LoveThrowback2 The Repeat nina Ariel, ang mister ni Gelli de Belen ang sumagot sa isyu.
    
Aniya, “Opinions matter, but in terms of commenting on how a person performs, I don’t think that’s right.”
    
Sa tingin ni Ariel, hindi kasalanan ni Daniel kung nagmukha mang backdrop ang mga kandidata, lalo na kung ito’y dahil nakababad lamang sa kanya ang kamera.
    
“That’s more of production problems there,” aniya.
    
Hindi raw tama na mamintas o mamuna ng performance ng isang singer ang kapwa singer dahil gaya nga raw ng sabi ni Jinky, may kanya-kanya silang paraan ng paglalatag ng awitin.
    
“Not everybody sings well but that doesn’t mean that they don’t perform well, you know.”
    
Ibinigay pa ni Ariel na halimbawa ang international singing icon na si Bob Dylan.
    
Aniya, hindi mahusay na singer si Dylan, pero may puso naman kung kumanta.
    
“You shouldn’t criticize the performance of others ’coz not even Gary (Valenciano) or Martin (Nievera), laging 100 percent. There are days may sakit ’yan,  may days na something happened in their life, so it’s hard to criticize and it is difficult to criticize someone who performs on stage with thousands of (paying) people watching,” mahabang rason pa ni Ariel.
    
Samantala, kasama rin ng grupo nina Ariel si Nina sa #LoveThrowback2 The Repeat concert na unang tinanghal nu’ng Valentine’s Day.
    
Produced by Royal Chimes Concerts and Events Inc., gaganapin ito sa Philippine International Convention Center (PICC) sa May 27, 8:30 p.m.
    
Ang tickets ay mabibili sa SM Tickets, Ticketnet at Ticketworld outlets.