5,822 guests

Megan, napaiyak sa ginawa ni Marian

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz

Jennylyn at Dennis, magka-date sa concert ni Ariana Grande

Naluha si Megan Young nang sa guesting niya sa Sunday PinaSaya last Sunday pagkatapos ng production number nila ni Tom Rodriguez para sa promo ng Mari Mar, lumabas ng stage si Marian Rivera na may dalang bulaklak at ibinigay sa kanya.

Ipinakilala rin ni Marian si Megan bilang si Mari Mar at ang dating sa viewers ay inilipat ni Marian kay Megan ang pagiging Philippine Mari Mar. Natuwa ang fans ng dalawa at nangako ang fans ni Marian na susuportahan si Megan at ang Mari Mar.
   
Nagpakuha ng picture si Megan kasama si Marian at pinost sa Instagram (IG) at ang inilagay na caption ay “Aaaaw! Thank you so much Ate Yan for the kind gesture.            “I am trying to hide my crying face (kasi mukha akong baby ’pag umiiyak HAHAHA)! You are truly a woman beautiful inside and out. I will always keep in mind our little convo right before we got off the stage hehe! Love you and congrats to you and Kuya Dong with your baby #surprisesurprise #nakakaiyak #Mari Mar2015.”

* * *

May nagtatanong kay Lovi Poe kung naapektuhan ang friendship nila ni Heart Evangelista nang batiin niya si Marian Rivera sa Yes! anniversary event? “No naman, Heart is fine at sana maging masaya na lang tayo ’pag naging okay na ang lahat dahil sa the same network lang kami,” sagot ni Lovi.
   
Tinawanan din ni Lovi ang intrigang natatabunan niya si Heart sa Beautiful Strangers  dahil mas napapansin ang husay niya sa acting. Ang paliwanag niya rito, focus pa sa kanya ang story ng soap, pero babawi rin si Heart sa future scenes nito.
   
Magkakaroon ng twist ang karakter ni Lovi at para maagang mapaghandaan, nauna na siyang magpagupit ng buhok kahit hindi pa sinasabi sa kanya. Excited na itong kunan ang mga eksena niyang bilang si Lea at magsisimulang gumanti.
   
Sa ngayon, ipakikita sa Beautiful Strangers  na magiging magkaibigan sina Kristine (Heart Evangelista) at Joyce (Lovi). Magiging close naman sina Kristine at Noel (Rocco Nacino), ang  nobyo ni Joyce.
   
Puntiryang saktan si Kristine ng mga kaibigan ni Jason (Renz Valerio) na hindi matanggap na pinalitan na ni Noel si Joyce. Ililigtas ni Joyce si Kristine at  magkakaroon ng utang na loob si Kristine kay Joyce.

* * *

Spotted sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa concert ni Ariana Grande at sabi ng fans ng mga bida ng My Faithful Husband, pinatunayan ni Dennis na mahal niya si Jennylyn dahil kahit siguro hindi siya fan ni Ariana, sinamahan si Jennlyn. Kitang nag-enjoy ang aktres at sumasabay pa sa pagkanta kay Ariana.
   
At least kahit busy, may bonding time sila dahil bukod sa My Faithful Husband, busy sa kani-kanyang pelikula. Si Dennis busy sa promo ng Felix Manalo at si Jennylyn magiging busy sa promo ng Prenup at pagiging judge ng StarStruck 6.
   
Samantala sa My Faithful Husband,  hindi na maiiwasan ni Melanie (Jennylyn) si Dean (Mikael Daez), malapit na siyang magkasala kay Emman (Dennis). Lalo na nang sabihin ng lalake na mahal pa siya nito at nagbalik siya para kay Mel.

* * *

Naririnig naming tinutugtog sa radio ang kantang Triangulo, grand winner sa Philpop 2015 at muling nagpanalo sa composers na sina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana. Radio friendly ang song at madaling makabisado.
   
Unang nanalo sina Thyro at Yumi noong 2013, pero mas meaningful sa kanila ang pananalo this year dahil masnahirapa silang tapusin ang Triangulo. Idagdag pang mas maraming mahuhusay na entry this year.
   
Real life couple sina Thyro at Yumi, kaya mas solid ang collaboration. Hindi muna sila sasali sa Philpop this year at sa 2020 na uli sila sasali para siguro mabigyan ng chance ang iba na manalo.
   
Also, enjoying air play ang Paratinin Mo Na S’ya composed and interpreted by Davey Langit na first runner up at ang Sa Ibang Mundo ni Mark Villar na kinanta nina Kean Cipriano at Nadine Lustre.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.