5,558

Recom inaresto sa graft case

  • Written by People's Tonight
  • Published in Top Stories
  • Read: 686

INARESTO sa loob mismo ng Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri na nahaharap sa kasong graft at falsification of public documents.

Ito ay dahil sa warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ng 3rd division ng anti-graft court.

Si Echiverri ay nagtungo sa Sandiganbayan kahapon para dumalo sa pagdinig sa kanyang mosyon na nagpapabasura sa kasong kaugnay sa anomalya sa drainage project sa Caloocan City noong siya’y alkalde pa.
   
Isinilbi kay Echiverri ang warrant of arrest na inilabas ng 3rd division noon pang March 10, kasabay ang finding na may probable cause sa kanyang asunto na sapat para tuluyan siyang litisin ng korte.
   
Kinailangan lamang ng ex-Caloocan City mayor na maglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
   
Samantala, mayroon pa umanong 66 na kasong nakasampa laban kay Recom sa Ombudsman na pinag-aaralan pa rin ng mga abogado ng pamahalaan kung ito ay itutuloy sa pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan, kabilang na dito ang P72-million insurance scam (bogus insurance ng mga barangay officials, rescue volunteers, barangay tanod at senior citizens); ang pagbili ng plastic na basurahan sa halagang P29,600 bawat isa o may kabuuang P5.5 million; at marami pang iba.