7,405

Lalaki winakwak ang sarili sa saksak!

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Top Stories
  • Read: 436

ISANG lalaki ang winakwak sa saksak ang sarili hanggang siya ay mamatay matapos niyang katayin ang kanyang ka-live in sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa Taguig City.

Si Joanna Tracy, 30, ng Unit 2102 Ivory Tower, Rosewood Pointee, Acacia Estate, Bgy. Ususan, ay namatay mismo sa lugar ng insidente mula sa tinamong maraming saksak sa katawan habang ang kanyang ka-live in partner na kinilalang si Rhandolf Sabares, taga Pangasinan, ay nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagsaksak ng maraming beses sa kanyang sarili.

Sa ulat na nakarating sa opisina ni Taguig City Police chief Senior Supt. Alexander Santos, nabatid na bago naganap ang trahedya, sinundo ni Tracy ang suspek sa kanyang bayan sa Pangasinan may apat na araw na ang nakalipas at hiniling niya na tumira ito sa kanyang unit sa Taguig.

Bandang alas-2:15 ng hapon, sinabi ni Gie Malinao, katulong ni Tracy, sa pulisya na narinig niya na nagtatalo ang kanyang amo at si Sabares hanggang sa magkainitan ang kanilang pagtatalo.

Sinabi ni Malinao na pinipilit ng kanyang amo si Sabares na umalis sa condominium at magbalik sa kanyang bayan sa Pangasinan.

Nainis umano ang suspek, kumuha ng kutsilyo sa kusina at paulit-ulit na pinagsasaksak ang biktima hanggang sa mamatay.

Pagkatapos na patayin ang kanyang girlfriend, nagtungo si Sabares sa basement ng condominium na kung saan paulit-ulit na pinagsasaksak ang kanyang sarili na agaran niyang ikinamatay.