7,950 guests

‘Kapatid’ ni Nadine Lustre nagpakamatay!

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Top Stories
  • Read: 4016

ANG 16-anyos na binatilyong kapatid umano ng actress na si Nadine Lustre ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo sa loob ng kanyang silid sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO3 Elario Wanawan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuang duguang nakahandusay sa loob ng kanyang silid ang biktimang si Isaiah Paguia Lustre, 16, High School student. Siya ay nagtamo ng tama  ng bala ng baril sa ulo.

Batay sa pahayag ng mga kapatid ng biktima na sina  Ezexiel at Naomie, dakong ala-7:45 ng gabi ay abala sila sa paglalaro ng games sa i-Pad nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril mula sa silid ni Isaiah.

Agad umano silang nagtungo sa silid ni Isaiah at doon ay nakita nila na duguan nang nakahandusay ang kanilang kapatid. Agad na humingi ng tulong ang mga kapatid ng biktima sa kanilang mga kapitbahay at isinugod sa Pacific Global Medical Center ang binatilyo subalit namatay din ito pagdating sa ospital.

Sa pahayag ng mga kapatid ng biktima sa pulisya, wala namang nasasabing mabigat na problema sa kanila si Isaiah pero nitong mga huling linggo ay napapansin na umano nila ang pagiging  malungkutin, bugnutin, ayaw makipag-usap sa kanila at laging nagkukulong sa kanyang silid.

Tumanggi naman si Ulysses Lustre, ama ng biktima na paimbestigahan pa ang naganap na krimen sa loob ng kanilang tahanan dahil kumbinsido umano siyang nagpakamatay ang kanyang anak.

Nakasamsam ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng 2 live ammunitions ng caliber 380 na ginamit umano ng biktima sa pagpapakamatay.