6,129

Duterte ipinagtanggol ni Lim

  • Written by ITCHIE CABAYAN
  • Published in Top Stories
  • Read: 708
IPINAGTANGGOL kahapon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim si Pangulong Rodrigo Duterte, na
kanyang itinuturing na ‘longtime friend’ at kaalyansa, laban sa mga batikos na ibinabato ng human
rights groups, partikular na ng United Nations’ human rights chief.
Partikular na binatikos ni Lim ang naging pahayag umano ni UN High Commissioner for Human
Rights Zeid Ra’ad al-Hussein na si Duterte ay kailangan umanong isumite ang sarili ‘to some sort of
psychiatric examination” dahil sa ginawa nitong pambabatikos sa UN special rapporteurs.
 
Ani Lim, ang mga pag-atake laban kay President Duterte ay maituturing din na isang uri ng
pag-atake hindi lamang sa Office of the President kundi ma-ging sa milyun-milyong Pili-pino na
bumoto at patuloy na naniniwala kay Duterte, na alam ng sambayanang lumamang ng ubod laki sa
kanyang mga naging katunggali sa pagka-Pangulo.
 
Bilang naging biktima rin ng mga malisyosong pagbatikos at matinding kritisismo mula sa
human rights groups dahil sa kanyang kakaibang pamamaraan  sa gitna ng kanyang ‘no-nonsense
campaign’ laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at illegal drug activities sa kabuuan ng kanyang
career bilang serbisyo-publiko sa loob ng maraming dekada, sinabi ni Lim na nauunawaan niya nang
buong-buo kung saan nanggagaling si President Duterte.
 
Maliwanag umano na ang mga taga-UN ay nilili-mitahan lamang ang kanilang mga nai-interview
sa mga taong galit o kalaban ng administrasyon ni President Duterte at hindi nila lubos na
nalalaman ang kabuang sitwasyon ng ‘human rights’ sa bansa, kung saan ang mga inosenteng sibilyan
ay nagiging biktima ng iba’t ibang uri ng krimen na isinasagawa kadalasan ng mga talamak sa iligal
na droga, mula sa simpleng holdup patungo ng robbery, rape, murder o kung minsan ay kombinas-yon pa
ng mga ito.
 
‘Marahil ay dapat subu-kan isa-isa ng mga UN officials na maglakad sa mga kalsada ng
Maynila sa gabi nang mag-isa at ’di nagpapakilala at tignan nila kung ano ang mangyayari sa kanila.
Magsuot sila ng alahas at gumamit ng cellphone habang naglalakad,’ ani Lim, bagamat pinuri naman
nito ang Philippine National Police (PNP) dahil ginagawa umano nito ang lahat para masawata ang mga
krimen sa bansa.
 
Ani Lim, pinaninindigan niya ang kanyang mga naging pahayag sa media noon pang  2015 kung
saan ginarantiyahan niya na hindi lamang sa salita matikas ang paninindigan ng noon ay mayor pa
lamang na si Duterte pagdating sa krimen, dahil kilala niya ito at alam niyang may kakayanan umano
itong tapusin ang krimen, gayundin ang kanyang tinuran bago pa ang 2015 na ‘kung may 20 Duterte
lamang sa gobyerno ay magiging maganda ang kalagayan ng Pilipinas.’
 
Ayon pa kay Lim, na naging magiliw kay Duterte mula nang sila ay magkasama sa mayors’
league nang si Lim ay alkalde sa Manila at si Duterte naman ay mayor ng Davao, suportado din niya
ang ginawang hakbang ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Caye-tano nang umangal ito sa aniya ay
“irresponsible and disrespectful comments’ na ginawa ni Zeid laban kay President Duterte, kasabay
ng babala na maaaring magdala ng mapanganib na panimula ang ganitong pagbatikos sa isang lehitimong
gobyerno.
 
Batay umano sa kanyang napakahabang karanasan sa mga lumalabag sa batas, sinabi ni Lim na
ang ‘human rights’ ang palagian na lang na paboritong  ‘shield’ o panangga ng mga kriminal sa
kanilang tangkang itali ang mga kamay ng mga nagpapatupad ng batas na nanumpang protektahan ang mga
inosente at masunurin sa batas na mga sibilyan laban sa mga kriminal.
 
Kinuwestyon din ni Lim kung bakit tahimik ang  UN ukol sa isyu ng nakahihindik na laki ng
bilang ng mga drug addict sa bansa na biktima ng mga drug lords at gayundin, sa isyu ng marami ring
bilang ng ‘sensational” at karumal-dumal na krimen na naganap at patuloy na nagaganap sa iba”t
ibang bahagi ng bansa na kagagawan ng mga taong lango sa ipinagbabawal na gamot.
 
Ani Lim, sa halip na batikusin ay dapat pang pasalamatan man lang si Duterte, dahil sa
pagpapaki-ta nito ng matindi at seryosong kagustuhan na mawala ang illegal drugs sa bansa, na
siyang maituturing na ugat ng halos lahat ng mga matitindi at karumaldumal na krimen sa Pilipinas.