10,729 guests

2 tulak nasakote

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial

Arestado ang dalawang babae na hinihinalang mga drug pusher at isang lalaking menor sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Bgy. Mayapa, Calamba City, kamakalawa ng hapon.
   
Ang mga suspek ay kinilala ni Supt. Fernando Ortega, hepe ng Calamba police, na sina Josielyn Lazaga, 45, Kristine Castillo, 18, at isang alyas “Toto”, menor de edad.
   
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Sections 5, 11 at 15, ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Calamba City Jail samantalang ang menor de edad ay dinala sa CSWD para sa pangangalaga.
   
Nakumpiska mula sa  mga suspek and 49 na piraso ng heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 20 gramo na nagkakahalaga ng P50,000.
   
Isasailalim naman sa testing sa PNP Crime Laboratory ang nakumpiskang droga.                       

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.