6,750 guests

16 estudyante sinaniban!

  • Written by People's Tonight
  • Published in Top Stories
  • Read: 294

PINANINIWALAANG sinaniban ng masasamang espiritu ang 16 na estudyante sa North Cotabato na bigla na lamang nagkaroon ng pambihirang lakas ng animo’y ilang lalaki at nagbitaw ng mga salitang kakaiba at hindi mula dito sa mundo.

Ayon sa isang radio report, ang sinaniban ng pinaniniwalaang masamang espiritu ay mga estudyante ng  Sib-Sib National High School sa bayan ng Tulunan.

Sinabi rin sa radio report na nagsimulang saniban ang mga estudyante noong Huwebes.

Ang pagsanib sa mga biktima ay nagpatuloy hanggang kamakalawa ng umaga, dagdag pa ng report.

Dail dito ay sinuspendi ang klase sa naturang paaralan ng dalawang araw.

Pinaniniwalaang naistorbo ng mga estudyante ang mga espiritu kung kaya’t gumanti ang mga ito at sila ay sinaniban.
    
Bukod sa pagkakaroon ng kakaibang lakas at pagsasalita ng misteryosong wika ay hinihimatay din ang ilan sa mga biktima at ang iba nama’y nagsisisigaw na parang wala sa sarili.