Zambales niyanig ng magnitude-4 lindol

October 11, 2018

NIYUGYUG ng magnitude 4 na lindol ang Zambales kahapon ng alas-10:49 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala 10 kilometro ng timog silangan ng Santa Cruz, Zambales.

Naramdaman ang lindol sa Intensity I sa Dagupan City.

Tectonic ang origin ng lindol at may 30 kilometro ang lalim sa lupa.

Wala namang damage to property at wala ding inaasahang aftershocks sa naganap na lindol.