Teacher timbog sa panghahalay, extortion

November 07, 2018

Arestado ang isang 23-anyos na guro dahil sa umano’y panghahalay at robbery extortion nang ireklamo ng isang menor de edad na estudyanteng lalaki sa Bgy. San Francisco, Biñan City, Laguna.

Base sa report ni Supt. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan City police, kinilala ang naares-tong suspek na si Angelito Altea, private school teacher.

Samantala, ang biktima na isang 12-anyos na lalaki ay itinago sa pa-ngalang Gerald, residente sa naturang lungsod.

Sinasabing nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ni Mendoza sa isang kilalang fast-food chain sa lugar matapos magtungo ang biktima at kanyang mga magulang sa himpilan ng pulisya kaugnay ng ginawa sa kanyang kahalayan ng suspek kabilang ang pananakot at pangi-ngikil ng halagang P4,000.