Surigao niyugyog ng 4.1 lindol

September 26, 2018

NIYUGYoG ng 4.1 magnitude na lindol ang Surigao del Sur kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 72 kilometro ng hilagang silangan ng Lingig, Surigao del Sur.

Tectonic ang ugat ng lindol at may 20 kilometro ang  lalim ng lupa ng naganap na lindol alas-9:08 ng umaga.

Naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity II sa Bislig City, Surigao Del Sur.

Tagged Under