‘Spider derby’ uso uli, 8 tiklo

September 22, 2018

KAMPO Hen. Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna -- Pinauso na naman sa lalawigan ng Laguna ang sugal na ‘spider derby’ sa kabila nang kabi-kabila pa rin ang mga iligal na aktibidad dito mula sa ‘tupada,’ ‘sakla’, ang sikat na sikat na ‘bookie’ at ang walang kamatayang ‘color games’.

Matapos tumanggap ng ‘report’ ang mga pulis ng Sta. Cruz mula sa mga residente ng Bgy. San Francisco, sa isang bakanteng lote ay nagkakagulo ang mga kalalakihan, kabilang na ang mga kabataan, dahil sa ‘spider derby’ na dinadayo pa ng mga tao mula sa karatig na lugar.

Nagulantang ang mga naglalaro na sina Jerwin Libutan, 24, single, farmer, ng Bgy. Sta. Catalina; Coby Eliba Magsino, 40, single, farmer, ng Bgy. San Francisco; “John”, 16, ng Bgy. San Francisco; Dela Torre, ng Jacinto St., Bgy. Sta. Ca-talina; Ruis Fetala, ng Bgy. San Francisco;  alias Tarat, alias Taloy, at alias Anghit, lahat ng nasa-bing lugar.

Nakuha ng mga pulis ang apat na lagayan na posporo at dalawampu’t  tatlong buhay na spider kabilang ang bet money na P387. Kinasuhan ang mga nahuli ng paglabag sa illegal gambling act.

 

 

Tagged Under