Sarangani niyanig ng 5.5 lindol

November 06, 2018

NIYUGYOG ng lindol na 5.5 magnitude ang Sarangani alas-10:09 ng umaga kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang sentro ng pagyanig ay 181 kilometro ng timog kanluran ng Sarangani, Davao Occidental.

Umabot naman sa 68 kilometro ang lalim sa lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat nito.

Hindi naman naramdaman ng mga taga Sarangani ang naturang lindol dahil ito ay tumama sa karagatan.

Wala namang inaasahang aftershocks sa naganap na lindol.