Salonga-Maxwell, walang katunggali sa 2019 Nueva Ecija polls

October 29, 2018

SAN Antonio, Nueva Ecija -- Tapos na ang boksing, ‘ika nga, dito sa first-class town na ito matapos lumabas na walang kalaban sina Mayor Arvin C. Salonga at Vice Mayor Julie Maxwell nang nagsumi-te ng certificate of candidacy para sa mayor at vice mayor sa Commission on Elections office kamakailan.

Bilang unopposed, na-ngangahulugan ito na kailangan lamang ng isang boto sa halalan pabor sa kanila upang pormal na maiproklama bilang panalo at patuloy na makapag-lingkod para sa kanilang panibagong termino mula 2019-2022, ayon sa Comelec.

Tinuturing ang pagiging unopposed nila Mayor Salonga at Vice Mayor Maxwell na isang record o kauna-unahan sa kasaysayan ng bayan sapagkat hindi pa ito nangyayari kahit minsan sa larangan ng pulitika ng San Antonio.

Nagpapasalamat naman si Mayor Salonga, una sa Panginoon at pangalawa sa mamamayan ng San Antonio, sa tiwala at suporta na ibinigay sa kaniya.

Ayon sa alkalde, umasa daw ang bayan ng San Antonio na lalo pa niyang pag-iibayuhin ang pagse-serbisyo at pagbibigay-ka-linga sa pangangailangan ng mamamayan kabilang ang pagpapagawa ng pa-ngunahing proyekto ng bayan.

Sinabi ni Mayor Salonga bibigyan niya ng prio-ridad ngayon ang pagpa-patayo ng gymnasium sa may pito o walong barangay at ang pagsasaayos ng kalsada ng San Antonio-Jaen Road hanggang Cab-iao sa mga barangay ng San Mariano, Tikiw, Poblacion, Sto. Cristo, Luyos hanggang sa may dako malapit sa Bagong Sikat, Cabiao at iba pang proyekto kaugnay ng pagpapasaayos ng daan patungo ng Concepcion, Tarlac.

Matatandaan na mag-kasama pa ang buong Team Arvin-Gawa Hindi Salita na tumungo sa St. Anthony Abbot Parish Church at nakinig ng Banal na Misa na pina-ngunahan ni Rev. Fr. Cesar M. Bactol bago sila tuluyang nagsumite ng kanilang CoCs sa Comelec office nu’ng Oktubre 17.

Kasama sa Team Arvin bilang walong kandidato ang re-electionist councilors na sina Adonis Balagtas, Manolito Balcos, Rainier Umali, Polito Pamintuan, Christopher Cunanan, Roberto Carpio, at bagong kasama na sina Roy Juliano at Victoria Claire Javier-Layug.