Ong, Angara ‘may laban’

November 01, 2018

BALER, Aurora -- “Bo-bong Ong at Rommel Angara, patok sa laba-nan.”

Ito ang naging obserbasyon ng ilang political anylyst hinggil sa kanilang records sa politika.

Ayon sa records, naging Sangguniang Panlalawigan member ng 1st district si Pedro “Bobong” Ong na walang talo at matapos ang three terms bilang bokal, ito’y sumabak bilang vice mayor sa bayan ng Baler.

Dahil sa kanyang track record ay nanalo si Ong laban sa dating first vote councilor na si Pedro Valenzuela noong nakaraang national election ng mahigit 1,000 votes.

Makakaharap naman ni Ong si Reynaldo Ma-pindan sa pagka-vice mayor ng Baler na katiket ni incumbent Baler Mayor Nelianto Bihasa.

Inaasahan balikatan naman ang labanan sa pagka-mayor nila Bihasa at new comer Ried Angara na pamankin ng namayapang Sen. Edgardo J. Angara.

Maging si acting Gov. Rommel T.Angara na sasabak sa congressional race ay inaasahan ilalampaso ang kanyang kalaban na si dating Dipaculao Vice Mayor Narciso Amansec.

Ayon sa political observers sa Aurora, wala umano silang nakikitang dahilan para matalo sina Ong bilang vice mayor ng Baler at Angara bilang representative ng lalawigan.

Samantala, wala naman makakalaban si Dingalan Mayor Shierwin Taay bilang mayor at ito’y dahil sa naging matagumpay niyang pamamalakad sa nasabing bayan.