Northern Samar inuga ng 4.8 lindol

October 18, 2018

INUGA ng magnitude 4.8 earthquake ang Northern Samar kahapon ng alas-2:34 ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang sentro ng lindol, na tectonic ang ugat at may lalim na 115 KM, ay nasa layong 13 kilometro ng timog kanluran ng Catarman, ayon sa Phivolcs.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Catarman at Bobon, Northern Samar samantalang Intensity 2 sa Catbalogan City, Samar at Borongan City, Eastern Samar.

Wala namang naiulat na damage ang lindol at wala ding inaasahang aftershocks.