6,152

Negosyante todas sa sunog

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 377


Patay ang isang 45-anyos na negosyante matapos masunog ang kanyang bahay dahil sa faulty electrical
wiring habang mahimbing na natutulog sa kanyang bahay sa Bgy. Ibabang Butnong, Magdalena, Laguna,
kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Senior Insp. Reneto Tunacao, hepe ng Magdalena police, ang biktima na si Isidro
Rubios, electronics technician, na namatay ng 4:30 a.m. nang su-miklab ang apoy sa bahay nito.
    
Nagkaroon umano ng short circuit na siyang pinagmulan ng apoy na tumagal ng 40 minuto at
nakulong ang biktima sa loob ng bahay.
    
Naapula naman ng mga kagawad ng Magdalena BFP sa pamumuno ni SFO3 Sherwin Tendilla ang
naturang sunog.