5,413 guests

Nabubulok nang lalaki natagpuang sa Calamba

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 141

Isang 55-anyos na lalaki na hinihinalang may mental disorder ang natagpuan patay habang nakasabit sa
paluko ng kanyang tahanan sa Bgy. Maunong, Calamba City, Laguna, Linggo.

Kinilala ni Supt. Sancho Celedio, hepe ng Calamba City police, ang biktima na si Momeriano
Marasigan Pamplona, 43.
    
Nadiskubre ang katawan ni Pamplona ng kanyang kapitbahay na si Marcelo Villegas Motilla, 55,
nang mangamoy ito habang nakabitin sa nylon rope.
    
Sa isinagawang imbestigasyon, alas-12:30 ng hapon nu’ng Linggo nang madiskubre ang katawan ng
biktima na nakatali ang lubid sa kanyang leeg. Mag-isang namumuhay ang biktima sa kanyang tahanan.
    
Ayon kay Motilla, ang biktima ay ilang beses nang nagtangkang magpakamatay subalit agad namang
naiiligtas.
    
Samantala, sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, lumitaw na walang anumang foul play hinggil
sa pagkamatay ni Pamplona.