5,872 guests

MC rider sumemplang sa kabilang kalsada, nagulungan ng SUV, tigok

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Provincial
  • Read: 262

DASMARIÑAS City, Cavite -- Nasagasaan ng isang SUV ang isang motorcycle rider na sumemplang at tumilapon sa kabilang linya ng kalsada kamakalawa ng gabi sa Bgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktimang nag-kalasug-lasog sa pagka-kasagasa ay kinilalang si Jhunel Baleta, 32, ng Blk. 27, Lot 14, Yemen St., SMC, Bgy. Salawag. Samantala, hindi naman nakilala ang driver ng SUV na mabilis na tumakas at hindi na hinintuan ang nasagasaang biktima.

Sa ulat ng pulisya, alas  8:41 ng gabi nang maganap ang insidente sa Saniya Road, tapat ng Saniya Resort, sa Bgy. Salawag, kung saan sakay ang biktima ng white Rusi motorcycle (9375 QE)  at bumabagtas sa nasabing lugar ng ma-out-balance ito sa kanyang motor at tulu-yang sumemplang.

Sumadsad ang biktima sa kabilang kalsada kung saan paparating naman ang isang  SUV na hindi nakuha ang plaka at tuluyang nasagasaan ang biktima.

Hindi naman huminto ang ’di nakilalang driver nito at tuluyang tumakas. Naitakbo naman sa DCMC (Dasmariñas City Medical Center)  ang biktima subalit hindi na ito umabot pa nang buhay.
    
Kasalukuyang nagsasagawa ng folow-up operation ang pulisya at nangangalap na rin ang mga ito ng CCTV camera na nakakuha sa pangyayari.
    
Samantala sa Bacoor City, patay ang isang ’di pa nakikilalang pedestrian makaraang mabangga ito ng isang trailer truck sa Bgy. Molino Road alas-4 ng madaling araw.
    
Ang biktima na tinatayang may taas na 5’8”, nakusuot ng kulay ubeng sando at kulay green na short pants ay agad namatay sa lugar na pinangyarihan.
    
Nabangga ng isang Isuzu Prime Mover Truck na minamaneho ni Pedro Comoso, 41, ng Clariben Compound, Bgy. 123, Tondo, Manila, ang biktima nang biglang tuma-wid ito sa daan. Kasong homicide ang isinampa laban sa driver.