MC rider sinalpok ng elf van, tigok

October 08, 2018

Patay ang isang 22-anyos na binata matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na Isuzu Elf van sa national highway ng Bgy. San Juan, Kalayaan, Laguna, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Philip Almedilla, hepe ng Kalayaan police, ang nasawi na si John Michael Valeriano, ng B4, L13, Inmaculada, Gen. Lunan St., San Roque, Antipolo City.

Idineklarang dead on arrival sa Laguna Medical Center sa  Sta. Cruz, Laguna, ang biktima ng attending physicain na si Dr. Alejandro Canlas.

Samantala, kinilala naman ng pulisya ang suspek na si Bernardo Yabot, 47, biyudo, ng Sto. Tomas North, Jaen, Nueva Ecija.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Kalayaan Municipal Jail.