9,809

Mandanas sa provincial police: Isuot ang uniporme na may dangal, katapatan

  • Written by Jojo C. Magsombol
  • Published in Provincial
  • Read: 355

“ISUOT ninyo ang inyong mga uniporme ng may dangal at katapatan lalo na sa paglilingkod sa lalawigan
ng Batangas.”

Ito ang pahayag ni Gov. Dodo Mandanas nang mag-courtesy call ang police officials ng
lalawigan kamakailan.
    
Matikas na hinarap ng city at municipal chiefs of police at PNP officials na nakatalaga sa
BPPO si Gov. Mandanas na kasama sina Provincial Jail Warden Col. Chito Malapitan, Provincial Legal
Officer Atty. Cesar Castor Sr., Provincial Public Order and Safety Department head Atty. Genaro
Cabral at Provincial Administrator Levi Dimaunahan.
    
Sa talumpati, binati ng gobernador ang buong pangkat ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga
batas ng pamahalaan at sa pagpapanatili ng katahimikan ng probinsya. Sinabi pa niya na kabalikat ng
Batangas PNP ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pagsusulong ng mga adhikain na mas
makakapagpabuti pa ng kalagayan ng probinsya.
    
Sinabi pa ng gobernador na maglalaan siya ng P1 milyong sa taong ito para sa pagsasaayos at
pagpapaganda ng kampo upang sa gayon ay patuloy itong makapagbigay ng magandang serbisyo publiko.