5,129 guests

Mandanas nakiisa sa DILG nat’l consultation workshop

  • Written by Jojo C. Magsombol
  • Published in Provincial
  • Read: 137

BATANGAS Capitol. Batangas -- Kabilang si Gov. Dodo Mandanas sa mga dumalong local chief executive at
local government functionaries sa National Consultation Workshop on Proposed Amendments to the 1991
Local Government Code ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na ginanap kamakailan
sa Crowne Plaza Manila Galleria, Ortigas Center, Quezon City.

Sa gabay ng temang “Improving Lives Through Local Governance Reform: Transparency,
Accountability and Better Services,” layunin ng workshop ang pagpapalakas ng Republic Act No. 7160
upang mas mapabuti pa ang serbis-yo ng pamahalaan sa larangan ng social protection, disaster
preparedness, financial administration, peace and order, environmental management, business
friendliness and competitiveness, at tourism, culture and arts.
    
Bilang isang aktibong kalahok sa mga diskus-yon, iminungkahi ni Gov. Mandanas na mabigyan ng
karapatan ang mga pamahalaang panlalawigan na makalikha ng pamamaraan para sa sa-riling mapagkakakitaan
para matustusan ang mga pangunahing pa-ngangailangan ng mga nasasakupan.
    
Kabilang sa mga dumalo sa pambansang pagtitipon sina Senator Sonny Angara, chairperson ng
Senate committee on local government; Albay Gov. Al Francis Bichara, pangulo ng Union of Local
Authorities of the Philippines; Oriental Mindoro Mayor Maria Fe Villar Brondial, pambansang pangulo ng
League of Municipalities of the Philippines; Atty. Joey Lina, former DILG secretary at Laguna governor;
at Director Kelly Bird ng Asian Development Bank.