6,770

Mananahi todas sa RIT gunmen

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 194

Patay ang isang lalaking mananahi matapos ba-rilin ng isa sa dalawang riding-in-tandem (RIT) suspects samantalang ang biktima ay sakay sa kanyang bisikleta sa harapan ng Block 41, Lot 5, Phase 2, St. Joseph Village 6, Bgy. Butong, Cabuyao City, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Donato Salvana, nasa hustong taong gulang, at residente sa nasabing lugar.

Si Salvana ay nasawi bunsod ng malubhang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Samantala, nanatili namang nakalalaya ang hindi pa nakilalang mga suspek na mabilis tumakas matapos ang insidente na pawang nakasuot ng helmet.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-6:22 ng gabi, sakay sa kanyang bisikleta ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at pinaputukan ito nang malapitan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigas-yon ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga suspek gayundin ang motibo ng pamamaslang.