Leyte niyugyog ng 4.3 lindol

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Provincial
  • Read: 264

YINUGYOG ng 4.3 magnitude earthquake ang Leyte ala-una kahapon ng madaling araw, ayon sa Philippine
Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang sentro ng lindol ay naitala sa may 8 kilometro ng  Kananga, Leyte.
    
Bunga nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 4 sa Capoocan at Palompon, Leyte.
    
Intensity 2 naman ang naramdaman sa  Cebu City.
    
Gayunman, wala namang naiulat na damage ang naganap na lindol at wala ding inaasahang
aftershocks.