5,175 guests

Lalaki pinasabog ulo ng gf, sariling bungo!

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Provincial
  • Read: 474

PINUTOL ng dalawang putok ng baril ang nakakarinding murahan ng magka-live-in partner sa Cavite.
Sinundan ito ng nakakabagabag na katahimikan, kung kayat tumawag ng pulisya ang mga kapitbahay.

Nang dumating ang mga otoridad, napag-alamang binaril ng isang lalaki sa ulo ang kanyang
kinakasama na biglang bumagsak sa sahig at namatay habang dumadanak ang dugo sa ulo.
    
Ang insidente ay naganap sa tirahan ng magka-live-in sa Bgy. Julugan 5, Tanza, Cavite.
    
Pagkatapos na barilin ang kanyang kinakasama, nagbaril din sa sarili ang suspek na kinilala ng
pulisya na si Erwin Pacumio, 33, bandang alas-7:20 p.m.
    
Nabatid na ang suspek at ang kanyang kinakasamang si Roxanne Araga, 35, ay nagkaroon ng
mainitang pagtatalo ukol sa kanilang relasyon.
    
Ayon sa pulisya, madalas naririnig ng mga kapitbahay na nagsisigawan ang magka-live-in.
    
Pero noong Martes ng gabi, ang dalawa ay nagmumurahan at pagkatapos ay nakarinig sila ng putok
ng  baril.
    
Bunsod nito ay tumawag ang mga kapitbahay sa kanilang barangay at sa pulisya.
    
Ipinapalagay ng pulisya na nang makita ng suspek na patay na ang kanyang ka-live-in, nagpasya
na rin ito na magpakamatay at nagbaril sa sarili.
    
Ang baril ay pag-aari ni Pacumio.