6,841

Fruit vendor timbog sa droga

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 148

Arestado ang isang 35-anyos na tindera dahil bukod sa pagbebenta ng prutas ay nagtutulak din ito ng iligal na droga sa Public Market ng Majayjay, Laguna.

Kinilala ni Senior Insp. Serafin Gapunuan, hepe ng Majayjay police, ang suspek na si Eric Coladilla, ng nasabing lugar.

Nakumpiska kay Coladilla ang hindi pa mabatid na dami ng shabu na nakalagay sa isang plastic sachet na nakatago sa isang kahon na lagayan ng prutas.

Lumilitaw sa imbestigasyon na matagal nang minamanmanan ng pulisya, maging ang ilang lokal na opisyal kaugnay ng kahinahinalang iligal nitong gawain kung saan ginagawa lamang umano nitong front o diskarte ang pagbebenta ng prutas.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Majayjay PNP lock-up cell.