5,544 guests

Barilan sa Antipolo, ’di pinatantanan ni Ynares

  • Written by People's Tonight
  • Published in Provincial
  • Read: 385

PINATUTUTUKAN ni Mayor Jun Ynares ang kaso ng nangyaring insidente ng road rage sa bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo City, kung saan binaril ng isang pulis ang nakaa-litan nitong jeepney driver noong May 1.

Ibinahagi ni Mayor Ynares na nakausap na niya ang pamilya ng biktimang si Petronilo Fernando, isang jeepney driver na siyang nabaril ni Police Officer 2 Ronald Pentacasi ng Barbosa Police Community Precinct sa Maynila.

Ayon kay Ynares, napakiusapan din ang Heaven’s Gate na mula sa P30,000 na bayad ay ibaba na lang sa P5,000 ang singgil.

Personal na binisita ng alkalde ang pamilya upang makiramay at maghatid na rin ng tulong.

Sumuko si Pentacasi sa Antipolo PNP noong Martes, kasama ang kanyang superior na si Chief Insp. Michael Garcia.
    
Ayon sa naunang report, nagkasagian ang jeep na minamaneho ni Fernando at ng motorsiklo na minamaneho ni Pentacasi sa Marcos Highway.
    
Dahil lumilikha na ng trapik, sinabi umano ni Fernando kay Pentacasi na tumabi sila sa Catalina para ayusin ang problema. Nauna ang pulis, pagda-ting ng driver ay binaril umano ito ng tatlong beses.

Natamaan rin ang isang nakatambay na nakilalang si Jericho Andara, 25.