5,874

Babae, ninakawan na, ni-rape pa

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Provincial
  • Read: 222

LIPA City, Batangas -- Pinaghahanap na ng pulisya ang isang kawatan na tumangay na ng mamahaling cellphone ay ginahasa pa ang biktima sa Lipa City nu’ng Hunyo 12.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay pumasok sa bahay ng biktima sa Bgy. Bugtong na Pulo, alas-4 ng umaga at nadatnang tulog ang biktima na si Mary, ’di tunay na pangalan.

Bago tumakas ang suspek tangay ang dalawang cellphones, P1,000, dalawang ATM cards ay ni-rape muna ang biktima. Sinira ng suspek ang jalousie ng bintana.