Antipolo City, handa na sa Undas 2018

October 30, 2018

PLANTSADO na ang OPLAN Kaluluwa 2018 ng Pamahalang Lungsod ng Antipolo para sa ina-asahang pagbuhos ng mga tao sa 13 semen-teryo ngayong Undas.

Setyembre pa lang ay nagsimula nang magpatawag si Mayor Jun Ynares ng mga pagpupulong kasama ang mga iba’t ibang departamento, ahensya ng gobyerno, PNP, BFP, NGOs at mga barangay tungkol sa seguridad at kaayusan ng pagdiriwang ng Araw ng mga Patay.

“Katulad po noong mga nakaraang taon, ginagawa po natin ang lahat ng pagpaplano at aksyon para masiguradong magiging matiwasay at tahimik ang pagdalaw natin sa ating mga yumaong mahal sa buhay sa mga sementeryo. Pinapatutukan po natin ang mga maaaring mangyari sa pagdagsa ng tao tulad ng pagsulpot ng mga illegal vendors at traffic dulot ng pagdami ng mga sasakyan at pagkalat ng mga masasamang loob,” sabi ni Ynares.

Nakaantabay na ang Office of Public Safety and Security (OPSS) sa pagpapatupad ng mga alternate route sa pagsasara ng pa-ngunahing kalsada katulad ng bahagi ng kalye ng Sto. Niño sa Poblacion kung saan hili-hilera ang mga publiko at pribadong sementeryo. Nakahanda na rin ang mga vehicle lift na gagamitin pang-tow sa mga sasakyang iligal na nakaparada. Maglalabas ng mga abiso ang Pubic Information Office (PIO) upang ipagbigay-alam sa publiko ang tungkol sa magiging daloy ng trapiko at ang mga kalsadang gagawing one-side parking. Magtatalaga rin ng mga public assistance and action center sa lahat ng mga sementeryo sa lungsod. Lilimita-han din ang mga vendor na gumagamit ng kuryente upang maiwasan ang overloading sa kuryente na nagiging sanhi ng power interruption.

Muli, mahigpit na ipinagbabawal sa mga sementeryo ang alak, baril, kut-silyo, matutulis na bagay, gamit na pangsugal at nagdudulot ng ingay. Magbibigay ng stub ang mga OPSS na siyang gagamitin sa pagkuha ng mga nakumpiskang gamit.