7,091

8 itinumba sa Cavite, Batangas, Rizal, Quezon

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Provincial
  • Read: 272

KAMPO Brig. Hen. Vicente Lim, Bgy. Canlubang, Calamba City, Laguna -- Walo katao ang iniulat na namatay sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cavite, Batangas, Rizal at Quezon noong Lunes.

Sa Cavite, nadiskubreng patay si Ronnel Rosaldo, ng Sunshine Ville, Bgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite, sa tabi ng kalsada alas-6:30 ng umaga, na may nakalagay na placard na may nakatalang “Wag ako tularan pusher ako.” May tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima.

Sa Tagaytay City naman ay natagpuang patay ang isang nagngangalang Renaldo Cruzat alas-9 ng umaga sa may Bgy. Dapdap West, Tagaytay City na ang sanhi ng kamatayan nito ay iniimbestigahan pa ng mga pulis.

Sa probinsiya naman ng Batangas, sakay ng isang motorsiklo si Ronald Trialban ng Bgy. Puting Buhangin, San Juan, nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na naglalakad lamang nang tumakas alas-5 ng hapon.

Sa lalawigan ng Rizal, sa Antipolo City, nag-iinuman sina Rommel Bedrona, Leonardo Constantino, Dave Natalaray at Margarette Dianne alas-11 ng gabi sa Bgy. Mambugan nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaki na agad tumakas. Sina Rommel at Leonardo ay namatay sa ospital samantalang sina Dave at Margarette ay namatay sa crime scene.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagka-kilanlan sa mga suspek at ang motibo para sa pagpatay.

Sa Tiaong, Quezon, sa Pinaghulan 2, Bgy. Bula, pauwi mula sa inuman si Pacifico Leyesa de Guzman alas-5 ng hapon nang abangan siya ng isang lala-king ’di kilala at pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo. Namatay agad ito at tumakas ang suspek.