4 nilooban sa Cainta, P200K natangay

September 19, 2018

CAINTA, Rizal -- Pinasok ng mga ’di kilalang suspek ang isang bahay sa bayang ito at tinangay ang mga alahas, cash at baril, na nagkakahalaga lahat ng mahigit P200,000, noong gabi ng Lunes.

Nagulat na lamang ang mga biktimang sina Antonio Sagun, Ma. Gracia Isabel Sagun, Jessie Gabas, at Noemi Albarico, 26, nang biglang dumating ang isang Toyota Innova at pumarada sa tapat ng kanilang bahay alas-9:17 ng gabi.

Agad na bumaba ang mga lalaki na armado ng baril at pinasok sa loob ang mga biktima at inutusang ’wag mag-ingay habang itinali sila ng kable at ipinasok sa kuwarto.

Naghalughog ang mga akusado at kinuha ang P70,000 cash, mga alahas at Glock .9mm pistol na may serial no. AADW650 at tumakas sakay din ng kanilang SUV na walang plaka.

Tagged Under