5,751

4 drug suspects timbog sa Calamba, Nagcarlan

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Provincial
  • Read: 181

KAMPO Hen. Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna -- Anim katao na sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga ang nadakip ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon noong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina Joel Lumangcas, 31, may live-in partner, residente ng Criscor Subd., Bgy. Uno, Calamba City; Amada Bayot, alias Amada, 58, ng Criscor Subdivision, Bgy. Uno, Calamba City; at Ronaldo dela Crus, 49, tricycle driver, ng Chipeco Ave., Bgy. Lecheria, Calamba City.

Si Lumangcas ay no. 7 high-value target (HVT), provincial level, mula pa noong 2017 habang ang dalawa naman ay kilalang mga pasaway sa iligal na droga.

Sa bayan naman ng Nagcarlan ay nadakip si Blandino Para, 40, married, tricycle driver, ng Bgy. Manaol.

Ang suspek ay dati nang sumuko noong panahon ng ‘Tokhang’, ngunit bumalik din kinalaunan sa pagbebenta ng shabu kung kaya’t ikinasa ang search warrant laban sa kanya at nakuha ang apat na sachet na naglalaman ng ipinagbabawal na gamut.