3 swindlers arestado

September 27, 2018

TANZA, Cavite -- Sa halip na kumain at magpakasaya kung sakaling makakuhang muli ng pera ang tatlong babae, himas rehas na bakal at laking kahihiyan ang napala ng mga ito matapos na ma-entrap ng mga pulis nang magsumbong sa kanila ang isang 67 years old na babae dahil sa panloloko sa kanya ng mga suspek.

Halagang P10,000 ang hiningi ng mga suspek na kinilalang sina Kristine Yadawon, 31, Michael Yadawon, 32, at Lyn Bacosa, 44, lahat nakatira sa Belvedere Subd., Bgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite. Nakakuha na ang mga suspek ng P74,000 mula sa biktima sa transakyon ng binibiling house and lot ng biktima na kung saan ang tatlo ang nagsilbing mga ahente raw.

Nakahalata na umano ang biktima dahil wala pang maipakitang dokumento ang mga suspek at nanghihingi na naman ng pera kung kaya’t humingi na ito ng tulong sa pulisya at inentrap ang mga suspek at dinala sa police station para imbestigahan.