3 patay sa pamamaril sa Sta. Rosa

October 12, 2018

KAMPO Hen. Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna -- Tatlo katao ang patay sa pamamaril noong Hwebes.

Ayon kay Senior Supt. Kirby John Brion Kraft, Laguna police director, nakatanggap sila ng ulat mula sa Sta. Rosa City na si Australian national  Walter Pietchnig na nakatira sa Bgy. Labas ay binaril ng isa sa dalawang holdaper alas-12:17 ng tanghali.

Ayon sa pulisya, ka-rarating lang ng biktima sa kanyang bahay nang magbabaan sa motorsiklo ang dalawang suspek at nila-pitan ang ‘foreigner’ at saka inagaw nito ang bag na dala.

Nakipagbuno ang Australiano, bagay na ikinagalit ng suspek at binaril siya nito at tumakas dala ang bag.

Isinugod sa ospital ng Sta. Rosa Medical Hospital ang biktima at doon na ito idineklarang patay habang  ginagamot.            Sa bayan naman ng Alaminos, nangongolekta ng paupa sa stall ng kanyang peryahan si Enrico Pesigan de Villa alas 7:30 ng gabi nang malapitan itong binaril ng dalawang beses ng ‘di kilalang suspek.

Nakita ng mga imbestigador ang dalawang basyo ng cal. .9mm pistol sa lugar ng krimen.