2 may sakit na preso namatay

September 24, 2018

KAMPO Hen. Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite -- Dalawang preso ang iniulat na namatay habang nakakulong sa loob ng kanilang mga selda dahil sa sakit noong Sabado.

Kinilala ng mga otoridad ng kulungan ang mga namatay na sina Mark Angelo Baluya, 25, ng Bgy. Delas Alas, Area J, General Mariano Alvarez, Cavite, at Dennis Duque Rivera, ng Dasmariñas City, Cavite. Si Baluya ay nakulong dahil sa illegal drugs samantalang si Rivera naman ay nakapiit dahil sa kasong paglabag sa R A 7610 or physical abuse sa isang minor.

Nabatid pa na si Balu-ya ay mula nang makulong simula noong September 22 alas-3 ng hapon ay nagwawala na sa selda sa pamamagitan ng pag-untog ng kanyang ulo sa pader hanggang dumugo ito at ini-hatid sa ospital ng mga jail guards at namatay ito kinagabihan sa tinamong traumatic brain injury, ayon sa doctor ng ospital.

Si Rivera naman na noong pang September 8 nakulong ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga. Dinala ito sa ospital ng Dasma at nalagutan ng hininga  alas-10 ng umaga.