2 lalaki tinambangan sa Rizal, tigok

November 08, 2018

RODRIGUEZ, Rizal -- Patay ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin noong isang araw sa Bgy. Macabud ng da-lawang ’di kilalang suspek.

Ayon sa ulat ng pulis-ya, magkaangkas sina Romeo Ragaas, Robert Castaneda at si Francisco Ragaas, alas-12:30 ng hapon sa kahabaan ng Proper 2, Bgy. Macabud, nang biglang maglitawan mula sa tabi ng kalsada ang dalawang suspek at pinaulanan sila ng bala.

Nakatalon sa tabi ng kalsada si Francisco suba-lit napuruhan sina Romeo at Robert na agad namatay sa lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga suspek na tumakas at maging ang motibo nito.

Samantala, sa Antipolo City, tatlong magnanakaw ang arestado ng mga pulis matapos nakawin ang body bag ng isang babae na naglalaman ng P5,000, mga ID at mga importanteng gamit alas-4:30 ng umaga noong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, biglang itinakbo ng mga suspek ang bag ng biktimang si Coritia Bayan na kung saan ay agad itong nakahingi ng tulong sa mga pulis.