19 tiklo sa Cavite drug bust

September 18, 2018

KAMPO Hen. Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite -- Walang katapusan ang pakikipaglaban ng mga pulis dito sa iligal na droga kung saan 19 katao na nagtutulak at gumagamit ang kanilang nadakip noong Lingo sa drug-bust operation.

Sa ‘accomplishment report’ kay Chief Supt. Edward Carranza, pinuno ng Police Regional Office 4-A, kinilala ang mga nadakip na sina Fernan Supan, 53, Irene Grace Pilapil, 44, Ricardo Sarte, 50, Joaquin Fegarido, 54, Leonardo Enlangan, 31, Allan Pearanda, 38, Benjie Panuncial, 43, at Antonio Figarido, 52, lahat nakatira sa Progressive Village, Bgy. San Nicolas 1, Bacoor City.

Sina Salvador, Supan, Pilapil at Sarte ang nagbenta sa isang police poseur-buyer alas-5:30 ng hapon sa nabanggit na lugar, ngunit nakatakbo si Salvador at nagsisigaw naman ang nalalabing mga suspek kung kaya’t nabulabog ang operasyon at naitapon ni Salvador ang ibang sachet ng shabu.

Nahuli rin sa Kawit sina Florence Chicano, 39, at Joseph Carlo Enriquez, 34, lahat ng Sitio Congbalay, Bgy. Binakayan, Kawit, alas-10 ng gabi at nakuha mula sa kanila ang ilang sachets na naglalaman ng shabu.

Sina Alfredo Domingo Jr., 38, ng Bgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite; Santiago Bantolin Jr., 54, ng Bgy. Bagbag 2; Joynard Calusin, 37, ng Bgy. Wawa 2, ay nadakip dahil sa pagbebenta ng shabu sa mga tauhan ng pulisya at PDEA na kung saan nakuha ang ilang gramo ng ipinagbabawal na gamot mula sa mga ito.

Sa Imus City, na-busted naman sina Ricardo Reyes, 54, Ma. Lourdes Palmes, 47, Richard Reyes, 48, Larry Jarin, 49, at Marlon Pring, 53, ng Bgy. Anabu, dahil sa pagbebenta ng shabu at dalawa pang gramo ng shabu.

Tagged Under