14-anyos 1 taon inabuso ng magsasaka

September 11, 2018

APAYAO -- Isang taon umanong pinagsamantalahan ng isang magsasaka ang isang 14-anyos na batang babae na si Izy (hindi tunay na pangalan), Grade 6, ng Bgy. Malayugan, Flora, Apayao.

Sinamahan ng ama ang biktima na nag-report bandang 3 p.m. nu’ng Lunes sa Flora Municipal Police Station tungkol sa panggagahasa umano ng suspek na kinilalang si Rodel Valiente, 37, walang asawa, magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, nangyari ang huling pang-aabuso ay noong nakaraang Sabado, bandang 8 p.m. habang papauwi na ang biktima galing sa pangunguha ng prutas sa isang masukal na lugar at nakita niya ang suspek na nag-aabang sa tabi ng punong kawayan.

Ayon pa sa biktima, tinawag siya at sinabihan na sumama sa kanya pero tumanggi ang biktima kaya hinatak siya ng suspek at sinabihan na “Nu dika umunay patayen ka” sabay hawak sa dibdib at pinaghahalikan.

Naudlot ang pag-aabuso dahil sa ingay ng tahol ng aso hanggang dalhin ng suspek ang biktima sa masukal na bahaging lugar sa bandang likuran ng bahay ng isang Alvin Talamayan pero sinundan pa rin sila ng aso at nagtatahol pa rin hanggang sa nag-desisyon ang biktima na dalhin sa bandang likuran ng bahay ng tiya ng biktima at doon puwersahang hinubaran at ginahasa ang biktima.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na ginagawa ng suspek ang pag-aabuso tuwing katapusan ng Linggo magmula pa ng taong 2017 at pag nag-iisa ang bata sa bahay habang ang kanyang ama ay nasa bukid.

Ang biktima ay hindi agad nakapag-sumbong sa kanyang ama dahil sa takot sa banta na siya ay papatayin ng suspek.

Ang biktima ay dinala sa Flora District Hospital para sa medico-legal examination ni Dr. Amy Liza Maruquin, chief of hospital ng Flora District.

Dinala ang biktima sa MSWD para sa tamang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa hindi pa nahuhuling suspek.