5,403

P58K sahod naghihintay sa PH nurses sa Saudi

MAY malaking sahod at magagandang benepisyo na naghihintay sa mga Pilipinang nurse na mabibigyan ng trabaho sa Saudi Arabia.

Nagbukas ang Kingdom of Saudi Arabia ng mga trabaho para sa mga Pilipinang nurse sa ilalim ng government-to-government program, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na ang Ministry of Health ng Kingdom ay nangangailangan ng 1,000 babaeng specialist nurse para sa neonatal intensive care unit, coronary care unit, intensive care unit, nursery, emergency room, surgical wards at obstetrics and gynecology..

Ang mga aplikante ay dapat na may bachelor’s degree sa nursing “with or without board license” mula sa Professional Regulation Commission (PRC) o Saudi Council Certificate/Prometeric passer, at dapat na may minimum na dalawang karanasan.

Sinabi ni Olalia na iyong matatanggap ay bibigyan ng suweldo na SR4,100 (P58,302), libreng pagkain at titirhan bukod pa sa pantaunang bakasyon.

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay maaaring magparehistro online sa www.poea.gov.ph or www.eregisterpoea.gov.ph. Maaari silang personal na magsumite ng mga kailangang dokumento sa Manpower Registry Division, Window S o T, Blas F.Bldg, dating POEA Bldg., Ortigas Ave. corner EDSA, Mandaluyong City.


Kaugnay nito, ang PhilJobNet, Department of Labor and Employment’s internet-based job and applicant matching system ay nakapagrekord na ng mahigit na 17,000 vacancies.

Ang production machine operators ang siyang ‘most in demand’ na may 6,000 vacancies kasunod ang call center agents (3,061 vacancies), ayon sa Bureau of Local Employment (BLE). Kailangan din ang machine operators, domestic helpers, customer service assistants, salesmen at cashiers.