5,231 guests

Tricycle drivers sa Antipolo isinailalim sa drug seminar

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Nation
  • Read: 108

UPANG matiyak na ligtas ang mga tao sa mga sumasakay ng tricycle na posibleng gumagamit ng droga,
isinailalim ang mga miyembro ng Sitio Kaila Palengke Toda (SIKAPTODA) sa Antipolo City sa Drug Abuse
Preventive Education Seminar.

Mismong ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang
Antipolo City Anti-Drug Abuse Office (ACADAO) at Public Transport Regulatory Board (PTRB), ang nanguna
sa seminar.
    
Isinagawa ang naturang programa sa tricycle drivers bilang isa sa identified vulnerable groups
sa paggamit ng bawal na gamot.
    
“Sinisikap po ng ating pamahalaang lungsod na mabigyan ang bawat isang mamamayan natin ng
malawak na pang-unawa sa droga at ang masamang dulot nito. Hindi lamang po mga kabataan ang nais
nating bigyan ng pansin sa ating kampanya kundi maging ang kanilang mga magulang na dapat na
magsilbing gabay nila,” pahayag ni Mayor Ynares.
    
Tinalakay din ang nilalaman ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
at ang kaparusahang naghihintay sakaling labagin ito kabilang ang posibleng pagkakakulong sa loob ng 6
na buwan hanggang 12 na taon at piyansa na nagkakahalaga ng P50,000-P200,000.
    
Binigyang diin sa seminar ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya upang mailayo
ang kanilang mga anak sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
    
Sa kasalukuyan, patuloy ang Community-Based Rehabilitation Program sa 16 na barangay sa
Antipolo kung saan nakapagtala na ng mahigit 600 na bilang ng completers na nakakatanggap din ng
alternatibong pagkakakitaan at kabuhayan.