6,182

TESDA: 85 private vocational schools nasa ‘hot water’

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Nation
  • Read: 559

MAY 85 Technical Vocational Institutions (TVIs) sa buong bansa  ang nasa ‘hot water’  matapos matuklasan na lumalabag at hindi sumusunod sa mga alituntunin at  implementing guidelines ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagpapatupad ng  mga scholarship program ng ahensya.

Ito ay matapos na masilip sa mga isinagawang  ‘spot inspection’  ng National Inspectorate for Scholarship Programs (NISP)  ng TESDA ang nagaganap na katiwalian sa natuklasang rehistradong technical-vocational (tech-voc) courses  at accredited training centers mula 2017 hanggang 2018 sa buong bansa.
    
Kaugnay nito, agad  na iniutos ni TESDA Director General  General Guiling “Gene” A. Mamondiong   sa binuong validation committee na isailalim sa pinal na validation  at mahigpit na pagsisiyasat  ang 85 na   TVIs upang maipatupad na ang karampatang aksyon laban sa mga ito  sa lalong madaling panahon kasama na dito ang pagkansela ng kanilang TESDA registration.

“The Validation Committee is tasked to verify the findings of the National Inspectorate for the Scholarship (NISP) starting 16 April 2018 to 30 April 2018 and shall submit a report thereto with its recommendation on 07 May 2018,” ani Mamondiong.
    
Ang 5-man Validation Committee ay pinamumunuan ni  Director Angelina M. Carreon, Director III, Planning Office, bilang chairperson na siyang magsasagawa ng  validation sa  TVIs at TESDA Technical Institutions (TTIs) na nakitang paglabag sa TESDA rules and regulations kaugnay sa scholarship guidelines.
    
Inatasan din nito ang mga kinaukulang regional at provincial/district offices na magbigay ng buong suporta sa  validation committee.
    
Sa isinumiteng  ulat ni NISP Project Team na pinamumunuan ni Dir. John D. Simborios,  sa nasabing bilang ng TVIs, 43 dito  ang inirekomendang  ipapasara  at kakanselahin naman   ang  TESDA registration  programs para sa 42.
    
Sa mga inirekomendang  ipapasara, apat dito ay nasa National Capital Region (NCR); dalawa sa Cordillera Region (CAR); 21 sa Region 3; 12 sa  Region lV-A; tatlo sa Region X; at isa sa Region 1.