‘Junjun’ lampaso kay ‘Abby’ sa pagka-alkalde

September 19, 2018

Kung matutuloy ang labanan ng magkapatid na sina Abigail ‘Abby’ Binay at Jejomar Erwin ‘Junjun’ Binay sa pagka-alkalde ng Makati City sa 2019 Midterm elections, kakain ng alikabok ang huli.

Sa isinagawang survey, nakakuha si incumbent Mayor Abby Binay ng 69 percent, habang 21 percent naman ang dating alkalde na si Junjun, kung silang dalawa lang ang maglalaban. May 10 percent naman ang undecided.

Kahit na tumakbo si Ricardo ‘Ricky’ S. Yabut, wagi pa rin si Mayor Abby sa 67 percent, habang 20 percent naman si Junjun. Kung tatakbo naman si Romulo ‘Kid’ Peña, kakabig pa rin si Mayor Binay ng 65 percent, nabawasan naman sa 17 percent si Junjun habang dikit naman si Peña sa 13 percent.

Isinagawa ang Pulse Asia survey noong August 17-23, 2018 at may kabuuang 1,200 respondents.

Inilampaso ni Mayor Abby si Junjun sa ikalawang distrito ng Makati kung saan nakakuha ang una ng 77 hanggang 81 percent sa tatlong set ng survey. Kahit na sa second district, malaki ang lamang ni Abby sa 49 hanggang 53 percent kumpara sa 24 hanggang 32 percent ni Junjun.

Si Abby Binay ay dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Makati pero nang patalsikin ng Ombudsman si Junjun noong 2015, nilabanan ni Abby si Peña noong 2016 elections kung saan nagwagi ito.

Tagged Under