Dagdag pasahe sa bus aprub na!

October 18, 2018

INAPROBAN na din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan na dagdag singil sa pasahe sa mga metro at provincial buses.

Mula sa dating P10 na minimum fare sa ordinary bus sa Metro manila P11 na ito.

Dalawang piso naman ang dagdag sa bawat susunod na kilometro

Samantala sa Aircon bus, mula sa dating P12 na minimum fare magiging P13 at P2.50 na dgdag naman sa bawat susunod na kilometro.

Sa ordinary provincial buses naman, mula P9 magiging P10 na ang pasahe at dagdag na P1.50 sa mga susunod na kilometro

Tulad ng pinagtibay na jeepney fare hike may 15 araw pang ibinigay ang ltfrb para mailathala sa diyaryo bago magkabisa

Mananatili naman ang 20 percent discount ng pasahe para sa person with disability at mga istudyante.

Una nang hiniling ang dagdag pasahe ng Southern Luzon Bus Operators Association,

Nagkaisang samahan ng nangasiwa ng Panlalawigang Bus ng Pilipinas at Samahang Transport Operators ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Nauna rito pinayagan na din ng LTFRB ang jeepney na magtaas ng pamasahe.