127,602 guests

Crisologo lider ng PDP-Laban sa QC

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Nation
  • Read: 224

ITINALAGA kamakailan ng PDP-Laban National Council si Quezon City Rep. Vincent ‘Bingbong’ Crisologo
bilang leader ng ruling party sa naturang lungsod.

Pinaniniwalaan na ang malaking hakbang na ginawa ng partido ay naglalayong palakasin ang
kapit nito sa Quezon City.
 
Sa liham na nilagdaan ni Senate President Sen. Kiko Pimentel (PDP-Laban President), House
Speaker Pantaleon Alvarez (Secretary General) at Energy Secretary Alfonso Cusi (Vice Chairman),
iniutos din ng partido kay Crisologo ang paghahanda ng Quezon City para sa 2019 elections.
    
Tinitingnan si Crisologo bilang isang ‘heavyweight’ sa Quezon City politics dahil na rin sa
dami ng kanyang taga-suporta sa lungsod kung iniriprisinta niya ang unang distrito nito mula 2004
hanggang 2013. Si Crisologo pa rin ang congressman ng nasabing distrito at tumatayong Deputy Majority
Floor Leader sa kasalukuyan.
 
Bago pa siya maging mambabatas, nagsilbi rin si Crisologo bilang councilor sa Quezon City sa
loob ng dalawang termino kung saan niya nagamay ang political landscape nito at nakuha ang suporta ng
mga mahihirap na taga-lungsod.
     
Napapabalitan naman na tatakbo si Crisologo bilang mayor ng Quezon City at nagsisilbing
malaking hamon sa sinumang itatapat ng mga kalabang partido.
     
“Pursuant to the powers vested in the PDP Laban National Council, you are hereby appointed as
President, Quezon City Council.
     
As the City Council President of Quezon City, you shall exercise the powers and peform the
duties and functions attached to the position,” utos ng partido kay Crisologo sa liham nito nuong
Jan. 15, 2017.
 
Sa parehong liham, sinabi rin ng PDP-Laban kay Crisologo na ipatupad ang mga gawain sa
kanyang hurisdiksiyon base na rin ipaggagawng mga lokal na programa upang pagtibayin ang mga
pangunahing plataporma nito laban sa iligal na droga, katiwalian, kriminalidad at terorismo.