Abby may basbas

October 14, 2018

Ng amang ex-VP Jejomar Binay.

DETERMINADO si Makati Mayor Abby Binay na makuha muli ang puwesto kahit ang ibig sabihin nito ay makakalaban niya ang kanyang kapatid, at dating mayor din ng Makati na si Junjun Binay para sa May 2019 elections.

Ani Abby, nakuha na niya ang suporta ng kanyang ama, dating Bise Presidente Jejomar Binay.

Sinelyuhan na umano ng matandang Binay ang kanyang certificate of nomination and acceptance (CONA) sa ilalim ng United Nationalist Alliance, patunay na siya ang opisyal na kandidato ng UNA sa pagka-mayor.

Ani Abby, ibinigay ng kanyang ama ang kanyang basbas bago lumabas ng bansa para sa isang pilgrimage, na tatagal ng isang buwan.

Ang CONA ang isinusumite ng kandidato sa Comelec kasama ang kanilang certificate of candidacy, kung ayaw nilang madeklarang independiyente.

“The party issued the CONA in my favor. Isn’t it enough indication of his endorsement?”

Inamin din ni Abby na kinausap na ng kanilang ama ang kanyang kapatid na ibigay muna sa kanya ang daan para sa mayoral race.

“Sinabihan ng daddy ko na ‘wag na siyang tumakbo. My father is trying to come up with a solution. Unfortunately, someone has to give in, there is no such thing as a win-win solution.”

Dagdag pa ni Abby na pinirmahan ng kanyang ama ang kanyang certificate of nomination and acceptance (Cona) sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) noong Setyembre 27.

“As far as I am concerned and as far as my father is concerned there is no longer more room for discussion simply because my father already signed my Cona,” Abby said in an interview with Inquirer.

“This was signed on September 27. This was the day before he left. He left in 28.”

“I think it is too late for my dad to take back his word considering he has already signed it cannot be withdrawn,” aniya pa.