Abby Binay, Jojo Binay sanib pwersa

September 25, 2018
Abby Binay, Jojo Binay

MULING tatakbo bilang mayor ng Makati si incumbent Mayor Abigail Binay at kasama sa kanyang tiket ang kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay.

Inanunsyo ni Mayor Abby ang pagbabalik ng kayang ama sa pulitika sa flag raising ceremony kanina sa city hall.

Kinumpirma naman ni Joey Salgado, tagapagsalita ng dating vice president, na tatakbo si Binay bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Makati.

“Isang napakalaking karangalan na tumayo sa isang entablado kasama ang tao na nagturo at nagpakita sa akin ng tunay na katapatan sa serbisyo, ang mahal ng Makati, ang aking ama na si Jojo Binay!” pahayag ng alkalde.

Naglingkod si dating Bise Presidente Binay bilang alkalde ng Makati mula 1986 hanggang 1998, at mula 2001 hanggang 2010.

Sabi ni Mayor Abby, isa lamang ang kanyang hamon sa mga pilit na naninira sa kanyang administrasyon. “Performance po ang ating pag usapan, hindi po puro paninira, dahil malinis, at may prinsipyo po at maipagmamalaking performance ang ipanglalaban po namin sa inyo.”

Tagged Under