6,063

’Wag maligo sa Manila Bay, maraming fecal bacteria -- Estrada

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 286

DAHIL sa mahilig ang maraming tao na maligo sa dagat ngayong malapit na ang tag-init, nagbabala si
Manila Mayor Joseph Estrada na iwasan ang Manila Bay at ang tinatawag na Baseco Beach. 

“Iwasan na n’yo ang (maligo sa) Manila Bay at sa Baseco Beach. Ito ay gawin n’yo kung gusto
n’yong may fecal bacteria ang pinaliliguan n’yo,” sabi ni Estrada.
    
“Kaya iwasan ang paliligo sa dagat ng Manila Bay at sa Baseco, kasi, the Manila City Health
Department (MCHD) informed me yesterday that they had found bacteria levels higher than normal at
the bay and beach areas.”
    
Inutusan na ni Erap si Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Joel Napoleon
Coronel na magpuwesto ng mga pulis upang magbantay sa lugar at pagbawalan ang mga tao na maligo
dahil sa maruming tubig-dagat.
    
Binanggit ng alkalde na maraming public swimming pools sa lungsod na doon ay maaaring
maligo at magpalamig at makaiiwas pa sa bacteria.
    
“Libre po ang paliligo sa maraming swimming pool na atin na pong mas pinaganda pa… Malinis
ang tubig du’n, kaysa sa Manila Bay at sa Baseco Beach kayo mag-swimming.
    
“Direct contact sa maruming tubig doon can result to diarrhea, stomach cramps, skin rashes
and other illnesses. ’Pag nagkasakit kayo, lalong malaki ang inyong magiging problema,” paliwanag
ni Erap.
    
Nabatid mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na matagal na itong
nag-isyu na masyadong marumi ang tubig sa Manila Bay at Baseco dahil ang paliligo rito ay posibleng
maging dahilan ng maraming sakit.
    
“Mayroon nang 16 years na ipinagbabawal na maligo du’n. Sundin po natin ang payo upang
hindi tayo magkasakit,” sabi ni Estrada.
    
Ayon kay MCHD head Dr. Benjamin Yson, regular na sinusuri nila ang mga tubig mula sa Manila
Bay at Baseco Beach  sa pagkakaroon ng dumi at bakterya.
    
“When this bacteria show up, it usually means fecal pollution that could come from animal
or human waste,” sabi ni Dr. Yson.
    
Kung may sariwang sugat ang isang nakapaglangoy sa maruming tubig, ito ay magbubunga ng mga
sakit, impeksiyon at sakit sa balat.
    
“Delikado po sa ka-lusugan ng tao dahil bukod sa nabanggit ko, maaaring magkaroon ng skin
diseases, diarrhea, typhoid fever, hepatitis A, cholera, at malalang pagtatae,” dag-dag ni Yson.
    
Bukod sa fecal pollution at coliform organisms, ang tubig sa dagat ay kontaminado ng mga
lason at toxin mula sa itinatapong langis at gas sa mga barko sa Manila Bay.
    
“Like what I  said, maraming swimming pool sa ating lunsod na maayos na tulad sa Dapitan
Sports Complex, Paraiso ng Batang Maynila sa A. Mendoza Ave. (Andalucia Sports Complex), Bagong
Buhay pool sa may Pedro Gil in front of La Concordia, Tondo Sports Complex sa District 1, at sa
Jacinto Ciria Cruz Sports Complex sa may Selya St. sa Pandacan. Doon na kayo maligo, libre lahat na
atin nang pinaganda at inayos para sa inyong masayang paliligo,” pagtatapos ni Estrada.