5,883 guests

Taxi magtataas ng pasahe

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 267

MAGTATAAS kami ng flagdown rate at rate sa bawat kilometro. 

Ito ang babala kahapon ng Metro Manila Taxi Driver´s Associations, oras na ipatong na ang
excise tax sa petroleum products (gasoline at diesel).
    
Ayon sa grupo, bukod sa pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel per liter, tiyak na itataas
din ng mga operator ang boundary kaya walang ibang pagkukunan ito kundi sa pamasahe.
    
Nauna rito, balitang P50 ang gustong maging flagdown rate ng isang grupo ng samahan ng mga
taxi operators, oras na ipatupad ang excise tax sa diesel at gasoline.
    
Kinontra naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasabing
panukalang P50 fare flagdown rate ng taxi.
    
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, LTFRB board member at spokesperson, dapat na magbigay ng
matibay na ebidensiya at patunayan ng grupo kung bakit P50 ang flag-down rate sa taxi.
    
Dagdag ng LTFRB na wala pang grupo sa taxi at bus na nagsasampa ng petition of fare hike.