7,188

Sikyu vs sikyu: 1 patay

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 290

Nasawi ang isang security guard makaraang mauwi sa barilan ang kaniyang paninita sa dumalaw na asawa
ng kanyang tauhang guwardiya sa binabantayang paaralan sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Supt. Rodelio B. Narcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng
Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Richard Correa, 33, security guard ng Red
Eye II Security Agency at residente ng Blk. 20, Lower Eastwest, Kabisig, Cainta, Rizal.

Si Correa ay hindi na umabot nang buhay sa Que-zon Memorial Medical Center (QMMC) sanhi ng
tinamong tama ng bala ng cal. 9mm sa dibdib na tumagos sa kanyang puso.
    
Agad namang tumakas ang tauhang guwardiya na kinilalang si Rolly Deogracias, 47, ng Bgy. 70,
Pasay City.
    
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola ng CIDU, ang pa-mamaril ay naganap dakong
alas-7:45 p.m. nu’ng Sabado sa loob ng Phillipine School of Business Administration (PSBA) na
matatagpuan sa 1029 Aurora Blvd., Bgy. Loyola Heights.
    
Ayon sa guwardiyang si Aladino Naldosa na nakatalaga sa accounting office ng PSBA, dumating
umano ang misis ng suspek na nakilalang Marilyn, kasama ang apo para dalawin si Deogracias.
    
Nang malaman ni Correa na siyang officer in-charge sa PSBA na nandoon ang misis ng suspek ay
niradyuhan niya ito at tinanong kung hanggang anong oras magtatagal ang asawa nito at apo sa loob ng
paaralan, at sinagot naman siya ng huli na sandali lamang umano ang mga ito at binisita lamang siya.
    
Makalipas ang ilang minuto, nalaman ng biktima na hindi pa umaalis ang misis at apo ng suspek
at tinawagan naman ng una sa pamamagitan ng radyo ang isa pang tauhang sikyu na si Naldosa at inutusan
na puntahan si Deogracias at asistihan para paalisin na ang pamilya nito sa loob ng paaralan.
    
Hindi pa man umano nakararating si Naldosa sa puwesto ng suspek sa Gate 1 ay nakarinig na siya
ng putok ng baril at pagda-ting niya doon ay nakita niya na duguan nang naka-bulagta si Correa.
    
Naispatan din ni Naldosa ang kasamahang guwardiyang si Deogracias kasama ang asawa at apo na
nagmamadaling tumakas.