4,618 guests

QC mall nabalot ng tensiyon sa nagwawalang Nigerian

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 171

Nagkaroon ng ten-syon sa loob ng isang mall sa Lungsod ng Que-zon makaraang magwala ang isang Nigerian national na ikinasugat ng isang security guard.

Sa ulat ni SPO1 Ronnie Ereño ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang suspek na si Raphael Omar Chigo-zie Ofoegoy, 23, ng 26 Lantana St., Bgy. Immaculate Conception, QC.

Siya ay inireklamo ng kasong alarm and scandal at physical injury ng biktimang si Randy Aluria, 36, may-asawa, security officer ng Gateway mall, Araneta Center, Cubao, QC.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Ereño, nangyari ang insidente sa may harap ng Gateway Mall na matatagpuan sa Gen. Araneta Avenue, Araneta Center, alas-5 ng hapon.

Lumilitaw na ang suspek na walang damit pang-itaas ay pumasok sa loob ng mall saka nanggulo sa mga transaksyon ng mga cashier’s booth ng Giordano Boutique.
   
Dahil sa komosyon, naalerto ang mga security guard na sina Arnel Calocado at Dondon Ondon at inawat ang suspek bago pinagtulungang ilabas ng mall ang huli.
   
Ilang sandali pa, muling nagpumilit na pumasok ng gusali ang suspek, pero hindi na siya pinayagan ni Aluria. Sa puntong ito, nagalit ang suspek at sinuntok si Aluria sa mukha. Dito na nagpasya sina Calocado at Ondon na arestuhin ang dayuhan at dalhin sa Cubao Police Station para sa inisyal na imbestigasyon, bago itinurn-over sa CIDU para sa proper disposition.
   
Ang kaso ay ini-refer para sa inquest proceeding sa City Prosecutor’s Office sa lungsod.